Lunes, Setyembre 28, 2015



Ang tambayan ng aming tropa

Tuwing wala kaming klase at walang ginagawa sa parke ng aming paaralan sa may bandang gilid ng bulwagan kami ay nagtatagpotagpo upang magkwentuhan at ubusin ang oras ng magkakasama. Sa aming magkakaibigan ang dalawang babae na magaganda na makikita nyo sa larawan ay ang "the funny duo" ng tropa dahil sila ay palatawa at masiyahin. Sa likod naman ng larawan ay isa pa naming kaibigan na hindi mahilig mag papicture at nais lamang ng tahimik na lugar kaya gustong gusto rin nya sa aming tambayan dahil tahimik at mahangin. Ang nasa likod naman ng talata na ito ay ako, ang taga sulat. Sa magkakaibigan hindi talaga mawawala ang palatawa, tahimik at may pagka weird. Subalit kahit anong kapintasan ang meron kami ay tanggap namin ang isa't-isa. Sama sama kami sa lungkot at ligaya. Dahil ang tunay na magkakaibigan ay hindi nag iiwanan.

Biyernes, Setyembre 18, 2015



Beacon of Wisdom in the North

    Ang paaralan namin ay kilala sa norte na "beacon of wisdom in the North" na talagang napatunayan na sa tagal ng panahon na naitatag ang paaralan na ito. Maraming mga pasilidad ang naitayo at mayroon pang mga bagong kagamitan. May bulwagan din ang aming paaralan na kayang makaokyupa ng mahigit isang libong tao. Maging cafe, canteen at pahingaan ay mayroon rito. Idagdag pa na mayroon ding sariling ring resort ang paaralan na siyang pinagdadausan ng recollection at iba pang okasyon ito ay ang "San Luis Del Mar" Sa kabuuan, isang maganda at may kalidad ang paaralan ito. 

College Building

     Ang paaralan namin ay isang Catholic School na nasa 51 taon na. Marami na ang mga mag-aaral ang nagtapos na rito at naging matagumpay sa kanikanilang larangan. Ang paaralang ito ay siyang humuhubog sa pagkatao ng mga kanilang estudyante. Patuloy ang pagtulong ng paaralan na ito sa bawat estudyante tungo sa kanilang magandang kinabukasan.


"Umbrella Park"
  Sa parke ng aming paaralan ay mapaphanga ka sa mga matataas na puno na siyang nagbibigay ng linong sa daan at nagpapalinis sa hangin. Maari ka ditong umupo at lumaghap ng malinis at preskong hangin. May mga lamesa rin at upuan na pwede mong pag gawaan ng iyong mga paper works. Sa mga mabeberdeng dahon ng puno dito ay talagang nakaka pagpagaan ng pakiramdam at init ng ulo.


Senior High

     Sa mga nakaraang taon nadagdagan ng taon ang high school na tinawag na K to 12. Hindi tayo binigo ng paaralan sapagkat naghanda talaga ang lahat maging ang pamunuan, mga magulang at mga mag-aaral sa panibagong curriculum. Mga matitibay at magagandang istraktura ang kanilang itinayo para sa madadagdag na mga estudyante. Mayroo ring palaruan pampalakas tulad ng larong badminton, volleyball at lawn tennis. Malaki ang naiiambag ng mga pasilidad na ito upang hubugin ang pagkatao maging ang katawan at lakas ng bawat isa.


CLINIC

     Ang paaralan ko ay maipagmamalaki ko sa ibang paaralan sapagkat mayroon kaming sariling klinika na mayroong mga makabagong teknolohiya. Napapanatili nito ang mabuti namaing kalusugan. Idagdag mo pa ang dental na kasama ng aming klinika. Talaga nga namang sigurado ang mga mag-aaral sa paaralang kanilang pinasukan. 


SLC CHAPEL


       Maipagmamalaki ko sa ibang tao na ang aking paaralan ay may chapel. Kung saan dinaraos ang misa araw-araw sa oras ng 5:00 hapon. Malaki ang ambag ng chapel sa aming mga estudyante dahil hinuhubog nito ang aming pagiging isang maka Diyos. 



Cafè Louisiano


Sa aming paaralan ay mayroong lugar kung saan maaari kang magpahinga, makipagkwentuhan sa iyong kaibigan, mag munimuni at umupo lamang habang nakikinig ng magandang musika. Sa loob ng cafe ay magagandang desenyo ng dingding at ng bobida ang iyong mapapansin. Masarap ang mga kape at mga frappe isama na din ang mga pagkain tulad ng fries, sandwiches at burgers. Sa murang halaga ay mabubusog kana. May aircon rin sa loob kung kaya't maganda sa pakiramdam ang hatid nito sa bawat mag-aaral.